It's Showtime Papalitan Pansamantala Ang Mga Host


 Hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ng MTRCB kung kailan opisyal na magsisimula 12 days suspension ng It's Showtime.


May ibinigay naman nang date subalit hindi pa umano ito final mas mabuting hintayin na lamang umano ang kanilang official statement.


Samantala, ayon sa mga usap-usapan ngayon sa social media, maaring palitan na muna ng ibang show ang It's Showtime na may ibang mga hosts sa loob ng 12 days habang suspended pa ang nasabing show.


Hindi mapapabilang sa host ng ipapalit na show na ang mga hosts ng It's Showtime.


Hanggang ngayon ay mainit pa rin na pinag-uusapan sa social media ang inilabas na 12 airing day suspension sa It's Showtime.


Hati pa rin ang opinyon ng mga netizens sa nasabing isyu, may mga pumabor sa desisyon ng MTRCB na suspendihin ang It's Showtime. Gayunpaman, marami rin ang nagsasabing sumobra naman si Lala Sotto at ang MTRCB sa paghihigpit sa It's Showtime.


Sa kabila ng pagtitrending ng It's Showtime hindi naman tumataas ang kanilang ratings. 


Ayon sa data na ibinahagi ng AGV NOTAM, noong byernes September 29 nakakuha ng 2.8% ang It's Showtime, habang 3.2% naman ang nakuha ng Eat Bulaga at 4.2% naman ang nakuha ng E.A.T.