Kim Chiu Aminadong Kinabahan Sa Eksena Nila Ni Paulo Avelino Sa Linlang!


 Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang kanyang paghahanda para sa maiinit na eksena nila ni Paulo Avelino sa upcomingseries nila na Linlang.


Inamin ni Kim Chiu na labis siyang kinakabahan sa mga gagawin nila ni Paulo Avelino. 


Gayunpaman, maayos niyang naitawid ang lahat dahil na rin sa mga ibinibigay na payo sa kanya ng kanyang mga kasamahan.


Labis ang pasasalamat ni Kim Chiu sa mga directors dahil pag-aalaga umano ng mga ito sa kanya at paggabay sa dapat niyang gawin.


Sila rin umano ang tumulong sa kanya na mawala ang kanyang takot at kaba lalo na sa mga love scenes nila ni Paulo.


Nagpapasalanat din si Kim Chiu sa kanyang katambal sa nasabing serye dahil pinapadali nito ang mga scenes kung saan labis na kinakabahan ang aktres.