Hindi na napigilan ng mga kapatid ni Kris Aquino ang magreact sa mga pagpopost ni Mark Leviste sa mga larawan ni Kris at sa mga anak nito.
Sa latest update ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account nilinaw na niya ang totoong estado nila ni Mark Leviste sa payo na rin ng kanyang mga kapatid.
Tila hindi na napigilan ng mga ito na magreact dahil tila hindi na nirerespeto ni Vice Governor Mark Leviste ang privacy ni Kris Aquino at ng mga anak nito.
Ayon sa ibinahaging update ni Kris Aquino, gumaganda na ngayon ang resulta ng kanyang inflammatory numbers particular ang C-reactive protein at E-sedimentation rate.
Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa kanya at nagdarasal para sa kanyang tuluyang paggaling.
Ibinahagi rin ni Kris Aquino na kung sakaling magtutuloy-tuloy ang magandang resulta ng kanyang mga test ay maari na silang makabalik sa bansa.
"Praying more that in 18 to 20 months i’ll reach remission and after 6 months i’ll have my doctors’ clearances and we can go home. i miss my sisters, my cousins, my 🇵🇭doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months."
Sa katunayan, nakahanda na umano ang bahay na tutuluyan nila na malapit lamang sa isa sa kanyang mga doktor.
Bukod dito, nilinaw din ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hindi na siya in a relationship ngayon. Ito'y sa pakiusap at payo na rin ng kanyang mga kapatid para matigil ang isyu sa kanila ni Mark Leviste.
"P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL. No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed."