Full Video Ng Buong Pangyayari! Kamikazee Minvra at Pinalayas Ng Gobernador Ng Sorsogon


 Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyari sa OPM banda na Kamikazee kung saan hindi natuloy ang kanilang performance sa Sorsogon dahil pinalayas sila ni Governor Boboy Hamor.


Matatandaan na naibahagi rin noon sa official page ng Kamikazee na magpi-perform sila sa kapistahan ng Casiguran Sorsogon. Subalit, nakansela ito sa last minute.


Ayon sa kumakalat na usap-usapan, hindi nagustuhan ng governor ng Sorsogon ang attitude na ipinapakita ng banda kaya naman minabuti niyang paalisin ang mga ito at ipatigil ang gig.


Ayon naman sa naging speech ni Gov. Boboy Hamor, hindi umano siya makakapayag na babastusin ng mga dayo ang mga tao sa Sorsogon.


Iginiit din niya na hinding-hindi na makakabalik pa sa Sorsogon ang Kamikazee.


“Sana na naintindihan niyo. Hindi ko gusto to. Kaso sinabi ko nga, may attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin,” pahayag ni Gov. Hamor.


Nilinaw naman ni Gov. Hamor na bagama't pinakansela niya ang gig ng Kamikazee, binayaran naman nila ito.


Hindi rin niya binigyan ng matutulugan ang banda at agaran silang pinapunta sa airport, dahil dito sa airport nagpalipas ng gabi ang bandang Kamikazee.


“Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganun naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay? Inuulit ko, bayad yun. Kasi bago mag-perform sila dapat bayad. Pero pinauwi ko na, hindi ko na patitirahin yun sa Residencia. Pinauwi ko na sa airport, dun sila mag-umaga. Okay?”


Sa kabila nito, hindi naman naging malinaw kung ano talaga ang ginawa ng Kamikazee na naging dahilan ng pagka-offend ni Governor Hamor.