Lala Sotto Dinismiss Ang Kaso Ng E.A.T


 Tuluyan nang binasura ng MTRCB ang reklamo ng mga tao patungkol sa isa pang noontime show na E.A.T.


Usap-usapan sa social media ang tila pananahimik ng MTRCB sa mga violations ng E.A.T. Matapos ang pagpapatawag nila sa E.A.T ay tila namatay na rin ang isyu.


Maging ang lubid joke ni Joey De Leon sa isang episode ng show ay pinalampas rin ng MTRCB sa kabila ng pagrereklamo ng ilang mga netizens.


Kaya naman, naglabas ng saloobin ang talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa isyung kinakaharap ng It's Showtime at E.A.T.


Para kay Ogie Diaz, mas mabigat ang naging hirit  ni Joey De Leon patungkol sa lubid na sinasabit sa leeg kaysa sa pagsipsip nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.


"Ako kung hihingin niyo ang opinyon ko, mas mabigat yung lubid kaysa sa icing," pahayag ni Ogie Diaz.


Sa kabilang banda, ipinahayag ni Lala Sotto na wala pa umanong pormal na reklamo na nakarating sa MTRCB hinggil sa naging pahayag ni Joey De Leon sa isang segment ng E.A.T patungkol sa lubid.


Sa ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang tila pananahimik ni Lala Sotto sa isyu ng E.A.T hiling ng mga netizens na aksyunan na rin nila at suspendihin dahil sa naging pahayag ni Joey De Leon.