Kalunos Lunos Ang Sinapit Ni Ion Perez Sa Star Magic Ball!


 Pinagpipyestahan ng mga netizens ang naging outfits nina Vice Ganda at Ion Perez sa naganap na ABS-CBN's Ball 2023 na naganap noong September 30, 2023.


Marami sa mga fans ni Vice Ganda ang nasisiyahan at napahanga sa blue dress ni Vice Ganda.


Gayunpaman, pinupuna naman ng mga ito ang suot ni Ion Perez na black suit na maluwag sa bandang dulo. Tila nakasuot din si Ion Perez ng heels na nagpataas sa kilay ng mga netizens.


Inokray din nila ang hairstyle ni Ion Perez sa nasabing event.


"Sa sobrang pinaghandaan ng designer outfit ni ION.. nagmukhang iwan tuloy. Mabuti pa yang simple design but artistic tingnan kaysa naman ganyan nagmukhang lusyang. Pero sabi nila dipindi sa pagdadala buti nalang nabawi sa kagwapuhan ni Ion kaya tes nalang. No choice!" komento ng netizen.


Dagdag ng isa pa, "Buhok ni Ion pinadilaan sa kabayo.. nagmukhang lumang tao."


"Pak na pak kay meme Vice, ewan ko lang kung sino nagbihis kay Ion."