Kyline Alcantara, Sinagot Ang Pa-Blind Item ni Mariel Pamintuan


 Agad na sinagot ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang ibinahaging blind item ng starlet na si Mariel Pamintuan patungkol sa isang bida na todo kung sumampal sa kanya.


Sa kamakailang video na ibinahagi ni Mariel Pamintuan sa kanyang TikTok account, ibinahagi niya ang hindi malilimutang eksena kasama ng tinatawag niya diva na totoong sumampal sa kanya sa taping.


Para kay Mariel, nakaranas siya ng discrimination sa set dahil isa lamang siyang baguhang artista habang ang kaeksena niyang bida ay sikat na sa industriya.


Sinabihan umano siya ng producer na hinaan lamang ang sampal, subalit tinotoo naman ito ng kanyang ka-eksena.


“Tapos sabi sa akin ng producer, lumapit sa akin, ‘Mariel, wag mong lalakasan, ah. Kasi nung rehearsal nakita kita, e, parang malakas yung amba mo. Parang malakas, e. Huwag mong tototohanin. Yung mukhang totoo lang, pero huwag malakas.”


“Yung bida talaga, G na G sa akin. Yung tenga ko, nayanig! Yung kaluluwa ko naiwan don sa set! Nagpalit na ng set up. ‘Cut!’ Nandun pa rin yung body and soul ko. Naiwan dun. Naiwan siya, na-shookt. Ganon,” pagbabalik tanaw ni Mariel.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Mariel, kaagad na nagkomento si Kyline Alcantara kung saan tila inamin nito na siya ang tinutukoy ni Mariel sa kanyang blind item.


“Bakit di nyo po minention pangalan ko, madam mariel?”


Agad naman itong umani ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens. May mga nagsasabing sana nanahimik na lamang si Mariel dahil totoong baguhan naman siya. May ilan naman na nakaramdam ng awa at nakisimpatya sa baguhang actress.