Naglabas ng pahayag si Rendon Labador sa kanyang Instagram stories kung saan sinabi niyang pinapatawad na niya si Vice Ganda sa kahayupang pinaggagawa nito sa It's Showtime.
Bagamat, wala na sa Facebook at TikTok si Rendon Labador, patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update gamit ang kanyang Instagram account.
Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories na na napatawad na niya si Vice Ganda kalakip ang hashtag na 'lablablabador'.
“Pinapatawad ko na si Vice Ganda sa mga nagawa niya, lab lab muna tayong lahat.”
Bagama't napatawad na umano niya si Vice Ganda, kailangan pa rin nitong maglabas ng public apology para sa kanya at sa lahat ng mga netizens.
“Huwag mo na lang uulitin at sana mag-public apology ka na. Ako ay nakiki-usap sayo, para sa taumbayan.. para sa kabataan.”
Matatandaan na isa si Rendon Labador sa mga nangungunang bashers ni Vice Ganda. Kabilang din siya sa mga nanawagan noon sa MTRCB na agad aksyunan ang ginawang 'indecent' nina Vice Ganda at Ion Perez sa pagkain ng cake icing.