'Inaalat' Career Ni Liza Soberano: Cristy Fermin


 Muli na namang naglabas ng saloobin si Manay Cristy Fermin sa kasalukuyang estado ng showbiz career ngayon ng aktres na si Liza Soberano.


Ayon kay Cristy Fermin, inaalat na umano ang career ngayon ni Liza Soberano at hindi rin ito kinakampihan ng pagkakataon.


Sa isang episode ng kanyang Youtube Vlog na Showbiz Now Na, ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na kinakabog na rin umano si Liza Soberano ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na kamakailan lamang ay tumanggap ng awards sa Korea.


“Alam mo itong si Liza Soberano, inaalat talaga eh ‘no? Hindi niya kakampi ang panahon talaga ‘no? Akalain mo ‘yun, walang kamalak-malak ‘yung pananalo bilang Best Asian Star nitong si Kathryn Bernardo sa Korea.


Paglalahad pa ni Manay Cristy Fermin, “Hampas sa kalabaw, sa kabayo na naman ang latay kay Liza Soberano dahil ang sabi niya, ‘Oo nga at mayroon piket ngayon sa Broadway, ang susunod na Hollywood para sa kanya ay Korea. Eh nanalo ‘yung Kathryn Bernardo.”


Ipinunto pa ni Romel Chika na naunahan pa ni KC Concepcion si Liza Soberano sa Hollywood dahil naging bida si KC sa isang Hollywood film na Asian Persuasion.


Naunahan rin umano ito ni Kathryn Bernardo sa Korea dahil sa pagtanggap ng award sa Ngayon naman na target ni Liza Soberano ang Korea ay si Kathryn naman ang kumabog  nang bigyang-parangal ang Kapamilya actress sa Seoul.