Usap-usapang ngayon sa ilang social media platforms ang umano'y pangagaya ni Issa Pressman sa pormahan ni Nadine Lustre sa Paris Fashion Week 2023.
Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang naging pormahan ni Issa Pressman sa isang larawan na kumakalat ngayon sa social media dahil tila ginagaya umano nito ang porma ng dating nobya ni James Reid na si Nadine Lustre.
Parehong imbitado sina Nadine Lustre at James Reid sa Paris Fashion Week.
Agad naman na napansin ng ilang mga netizens na ang look ni Issa sa isang larawan ay katulad sa make up ni Nadine habang rumarampa.
Mula sa hairstyle maging ang fierceness ng mukha ay gayang-gay umano ni Isssa.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na iniisyu si Issa sa pangagaya kay Nadine Lustre. Ilang beses na ring napansin ng mga netizens na tila ginagaya ni Issa ang ilang mga poses ni Nadine at ang kanyang make up look.
Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Issa Pressman hinggil sa isyung ito.