Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang yakapan moment ni Julia Barretto at Janella Salvador sa naganap na ABS-CBN Ball.
Makikita kasi sa mga kumakalat na video na hinila ni Janella Salvador si Julia Barretto para sa isang panayam at mahigpit pang nagyakap ang dalawa.
Ayon sa ilang mga netizens, tila nagpaplastikan lamang umano ang dalawa sa pagkakataong ito.
Matatandaan na naging laman din ng mga usap-usapan noon na tila may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa.
Nag-ugat ito sa kontrobersyal na isyu sa pagitan nina Julia Barretto at Gerald Anderson ilang taon na ang nakakalipas.
Hindi naman si Gerald Anderson ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan kundi si Joshua Garcia na ex ni Julia at kaibigan din ni Janella.
Hinala ng ilang mga netizens na nagpaplastikan lamang ang dalawa upang ipakitang maayos na ang lahat.
"Diyan mo makikita na iba ang nangyayari sa likod ng kamera. Sabi nga nila 50% lang totoo na makikita mo sa TV sa tunay na nangyari."
"Makikita naman sa face nila na awkward. Why do they need to subject them into that situation kahit alam naman nilang may unresolved issues/gap between the two."
"Super halata naman yung plastikan, kita sa face eh. Ayaw pakabog kay M and K."