Binabatikos ngayon ng mga netizens ang actress-host na si Arra San Agustin, matapos tawagin ng kanyang co-host na si Yasser Marta bilang 'noontime show goddess'.
Sa isa sa mga episode ng Eat Bulaga, ipinakilala ni Yasser si Arra bilang ‘noontime show goddess,’ na umani ng batikos mula sa It’s Showtime fans na naniniwalang mas karapat-dapat si Anne Curtis sa titulo ito.
Ayon sa ilang netizens, dapat na maging maingat sa pagbibigay ng label ang mga kasamahan sa Eat Bulaga dahil karamihan sa kanilang mga host ay hindi man lang naka-host ng isang taon sa isang noontime show.
“Maganda si arra very angelic ang beauty pero sorry pinag uusapan kasi noontime show Goddess, need pa ng madaming taon ni arra to beat lahat ng napatunayan na ni Anne curtis. Hindi lang ito basta pagandahan.”
“Maganda naman talaga si Arra lalo na in person, ang tanong bakit may comparison sinadya ng tape bulaga yan para pag usapan, negative or positive still publicity.”
“Hindi ganda ang pinas uusapan dito kundi ang pag host kaya Wala pang binatbat si Arra sa pag ho host.”
Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag si Arra San Agustin hinggil sa mga natatanggap niyang pambabatikos dahil sa pagtawag sa kanya bilang 'noontime goddess'.