It’s Showtime host na si Vice Ganda binweltahan si Atty. Ferdinand Topacio matapos manalo ng parangal mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa isa sa mga episode ng Kapamilya show, ipinahayag ni Vice Ganda, na nagpapasalamat siya sa parangal na natanggap niya sa gitna ng 12 araw na suspensiyon na ipinataw sa kanila ng Movie and Television Classification and Review Board (MTRCB).
Ipinahayag pa ni Vice Ganda na marami ang pumuna sa kanyang mga pelikula, ngunit hindi pa rin maitatanggi na nagbibigay pa rin ito ng saya sa mga Pinoy moviegoers.
“Maraming nagsasabi na ang papangit ng pelikula ko, ang babasura ng pelikula ko. Pero ang ipinagmamalaki ko, sa mga panahong bagsak na bagsak ang mga Pilipino
"Parang nawawalan na sila ng pag-asa, at sa mga panahong malungkot na malungkot sila, masayang-masaya ako na kaya maraming nanood ng pelikula, dahil ‘yong mga pelikula ko ang ginagawang pangtakas ng napakaraming Pilipino,” pahayag ni Vice Ganda na tila pasaring kay Atty. Topacio.
Matatandaan na pinuna ni Atty. Ferdinand Topacio, na isa ring producer ang mga pelikula ni Vice, at sinabing hindi ito nakatulong sa industriya na umunlad.
“Gumastos kami ng 33 million para sa ‘Mamasapano’ ang hirap bawiin because of the climate of the local film industry. Dominated kasi ‘yung local industry ng foreign films. Yon ang number one”
“Ano ba ang naitulong ng mga pelikulang iyon sa pagtaas ng antas ng pelikulang Pilipino? Wala naman e!”