Nahaharap ngayon sa mga pambabatikos online ang mga social media influencer na sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin matapos i-claim ng ilang content creator na niloko sila ng mag-asawa sa pag-iinvest kapalit ng mataas na interes bawat buwan.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Priscilla LaFountain ng mensahe para hilingin kina Yexel at Mikee na bayaran siya ng monthly interest na ipinangako ng mga ito sa kanya.
Sinabi niya na dalawang buwan na ang nakalipas mula noong binayaran siya ng dalawa.
“Mikee Agustin and Yexel Sebastian. nagmamakaawa po ang mga OFW AT ABROAD NA NAGINVEST SAINYO. MERON DIN SA PINAS MGA NAGLABAS NG PERA.Sana po kausapin nyo kami.
"2mos na pong delayed ang aming kita sa Inenvest namin sainyo. kayo ang kausap namin sana makipagusap kayo ng maayos saamen. Binlock ako ni Yexel. Inunfriend ako ni Mikee sa Personal facebook nya. bakit po ganun? maayos kami naglabas ng pera. sana maayos din kayong makipagusap saamen. naeestress na kami,” mensahe ni Priscilla.
Ang isa pang content creator na si Mommy Joy Vlogs, ay nagpahayag rin ng mensahe patungkol kina Yexel at Mikee ay nangako umano na babayaran sila ng 5% monthly interes o 60% annual interes para sa kanilang investment sa isang cryptocurrency.
Hinimok din ni Joy ang dalawa na ipaliwanag ang kanilang panig sa mga investors at ibalik ang kanilang pera.