Unti-unti nang ngng bukas sa publiko ang Kapamilya actress na si Julia Montes hinggil sa relasyon nila ng Kapamilya actor na si Coco Martin.
Bagama't may reservation pa rin si Julia sa kanyang mga sagot, hindi na ito katulad noon na tila tinatago nila sa publiko ang kanilang paglalambingan.
Diretsahan din ang naging sagot ni Julia Montes sa tanong ni Tito Boy kung ano para sa kanya si Coco Martin.
Ayon kay Julia Montes, maituturi niya bilang knight in shining armor si Coco Martin.
Inamin rin ni Julia sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na may pinagseselosan siyang artista. Sa kabila naman umano nito alam niya ang kanyang limitasyon at kung kailan siya dapat na magselos.
Ipinagdidiinan din ni Julia na masayang-masaya siya ngayon sa kanyang buhay pag-ibig.
Inilalarawan din ni Julia si Coco Marting bilang lovable at mas malambing. Ipinahayag rin ng aktres na tila natagpuan na niya ngayon ang kanyang the one.
10 naman ang naging sagot ni Julia sa tanong ni Tito Boy Abunda kung gaano siya ka inlove ngayon.
Bagama't hindi naman pinapangalanan ni Julia ang taong kanyang tinutukoy, hinala ng maraming mga netizens na ang nagpapasaya ngayon kay Julia ay walang iba kundi si Coco Martin.
Nagbigay rin ng pahayag si Julia Montes patungkol sa tila engagement ring na suot niya noong ABS-CBN Ball. Ayon kay Julia Montes, "Let's cross the bridge when we get there."
Bagama't hindi naging malinaw positibo naman ngayon ang ilang mga fans nila ni Coco Martin na naghihintay na lamang sila ng tamang pagkakataon para aminin ang kanilang relasyon.