Vice Ganda, Excited Sa Suspension, Magbabakasyon Sa Korea


 Tila hindi naman nababahala ang ang ilang mga It's Showtime host sa nalalapit na suspension ng kanilang show.


Sa isang episode ng It's Showtime ipinahayag ni Vice Ganda na magbabakasyon sila ni Ion Perez sa Korea.


Inaasahan na magsisimula ang suspension ng It's Showtime sa darating na October 14 hanggang October 27. Tinanggap na lamang ng It's Showtime ang kanilang parusa mula sa MTRCB  at hindi na nag-apela sa Office of the President.


Matatandaan na nauna nang ibinasura ng MTRCB ang apela ng It's Showtime para hindi matuloy ang 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB kasunod ng viral cake icing video nina Vice Ganda at Ion Perez.


Sa kabila nito tila hindi naman nagpapaapekto ang ilang mga It's Showtime hosts at dinadaan na lamang sa pagbibiro ang kanilang mga kinakaharap.


Sa ngayon tila magkakaroon ng mahaba-habang bakasyon ang ilang mga It's Showtime hosts sa Korea.