Tila hindi na maaring itago pa ni Manny Pacquiao ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae.
Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan at videos na nagpapatunay na talagang kinikilala ni Manny Pacquiao ang sinasabing anak niya sa labas na si Emmanuel Pacquiao Jr.
Si Emannuel Pacquiao Jr. ay anak ni former senador Manny Pacquiao sa isang dating receptionist sa hotel na kanyang tinatambayan noon sa tuwing ninanais niya na magbilyar.
Bukod sa pagboboksing mahilig din si Manny Pacquiao sa pagbibilyar at basketball, kaya naman malimit siyang tumatambay sa mga tagong lugar.
Matatandaan na noong 2012 bigla na lamang lumutang ang isang babae na nagngangalang Joanna Bacosa na nagsasabing nagkaroon sila ng anak ni Manny Pacquio.
Pinakilala noon ni Joanna ang isang batang lalaki na pinakilala niya bilang si Emannuel Pacquiao Jr.
Isiniwalat din ni Joanna na buwan-buwan ay nagpapadala sa kanila ng sustento si Manny. Ipinasilip din niya ang birth certificate ng bata kung saan nakasulat ang pangalan ni Manny bilang ama ng bata.
Noon, tila hindi pa talaga kumbinsido si Manny Pacquiao na anak nga niya si Eman. Subalit, kumakalat ngayon ang mga larawan at videos kung saan tila tinuturuan ni Manny Pacquiao ang anak na nais sumunod sa kanyang yapak sa larangan ng boxing.
Usap-usapan ngayon sa social media na umano'y tinuturuan ni Manny Pacquiao si Eman sa pagboboksing at sinusuportahan ito ng patago sa kagustuhang maging susunod na boxing champ.