Maja Salvador Ipinagdiwang Ang Unang Kaarawan Bilang Misis


 Nitong October 5, 2023 ipinagdiriwang ng actress na si Maja Salvador ang kanyang ika-35 na kaarawan. Ito rin ang kanyang unang birthday bilang misis ni Rambo Nunez.


Ipinakita ni Maja Salvador sa kanyang mga fans na hindi hadlang ang edad sa pakikipagsaya.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at videos kung saan makikita ang pagdiriwang ni Maja Salvador kasama ang kanyang asawa na si Rambo Nunez at iba pang malalapit na kaibigan.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa aktres mula sa kanyang mga tagahanga at iba pang kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.