Kumakalat ngayon sa social media ang usap-usapan na binabalak umano ng AMBS ang ilang mga programa ng ABS-CBN, maging ang ilang mga teleserye na gawa ng Kapamilya Network.
Usap-usapan ngayon sa social media ang magandang offer ng AMBS para sa ABS-CBN sa muling pag-ere nito.
Hindi pala pinagbili ng nasabing nerwork ang kanilang mga teleserye at hindi din umano ito blocktime agreement, kundi isang partnership deal.
Ang ABS-CBN ang siyang gagawa ng produksyon habang ilalabas naman ito ng AMBS sa kanilang free to air channel kung saan maghahati sila sa kita.
Malaki ang kaibahan nito sa blocktimer, sa blocktime binabayaran ng ABS-CBN ang total commercial minutes ng estasyon batay sa oras.
Sa ngayon ay hindi pa ito kumpirmado subalit may posibilidad umano itong mangyari. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na mahina ang AMBS ngayon dahil sa kakulangan nila ng mga talents at kulang sila sa reach.
Dagdag pa ng source na sa ngayon ay tinitimbang pa umanong mabuti ni Manny Villar ang kanyang susunod na hakbang.
Iniisip din umano ni Manny Villar kung interesado ba ang mga Lopez na makipag deal sa kanya ang mga Lopez.
Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat, nagpadala na umano ng mensahe ang kampo ni Villar sa mga Lopez upang mapag-usapan ang posibilidad ng kanilang partnership.
Sakaling matuloy ang parnership na ito, muling mapapanood sa channel 2 ang mga programa ng ABS-CBN matapos ang pagkawala ng prangkisa nito.
Matatandaan na nitong nagdaang taon, ibinigay ng NTC sa AMBS ang frequency channel ng ABS-CBN at ang lahat ng mga radio stations nito.