Hayagang tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda ang Kapamilya actress na si Julia Montes kung ano sa buhay niya ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin.
Si Julia Montes ang guest sa kamakailang episode ng Fast Talk With Boy Abunda. Dito, hayagang tinanong ni Tito Boy ang aktres kung ano sa buhay niya si Coco Martin na ilang taon nang ni-lilink sa kanya.
Tila unti-unti nang naging bukas sa publiko sina Coco Martin at Julia Montes hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Ayon kay Julia Montes, si Coco Martin ang kanyang knight in shining armor.
Inamin rin ni Julia na humihingi siya ng ilang insights kay Coco Martin sa kanyang mga gagawing projects.
Hayagan din tinanong ni Boy Abunda si Julia Montes patungkol sa suot na singsing ng aktres noong ABS-CBN's Ball. Nais na maging malinaw ni Tito Boy sa lahat kung totoo nga bang engaged na o kinasal na ba sina Julia at Coco Martin.
"Let's cross the bridge when we get there," sagot ni Julia Montes.
Bagama't hindi naging malinaw ang sagot ni Julia, inidikasyon na ito na talagang nagkakamabutihan na sila ngayon ni Coco Martin at unti-unting nilalantad na sa publiko ang kanilang pagmamahalan.
Nilinaw naman ni Julia Montes na masaya siya ngayon sa estado ng kanyang career at sa kanyang buhay pag-ibig.