Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang isyu na umano'y may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Seth Fedelin at Kyle Echarri.
Matatandaan na kumalat noon ang video kung saan hindi nagkibuan sina Kyle Echarri at Seth Fedelin, kahit halos magkabanggaan na ang mga ito. Sa panahong iyon ay kasama ni Kyle Echarri si Andrea Brillantes.
Tila pinalampas ito ng ilang mga press people, dahil baka hindi nila napansin ang isa't-isa dahil nagsiksikan sila.
Subalit sa kamakailang practice game para sa Star Magic Shooting Stars, kapansin-pansin na hindi nagkikibuan ang dalawa na dati namang magkaibigan.
Hiling tuloy ng kanilang mga fans na sana ay hindi naman maapektuhan nito ang kanilang laro.
Dahil dito, naglabasan ang samu't-saring haka-haka mula sa mga netizens na isa sa mga dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan ay ang naging isyu noon sa pagitan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.
Matatandaan na ilang beses ding naglabas ng cryptic post si Andrea na tila patama niya kay Francine Diaz.
Sa ngayon ay magkatambal sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa isang teleserye, habang sina Seth Fedelin naman at Francine Diaz ang magkaloveteam.