Matapos mapariwara dahil sa paggamit ng ipagbabawal na gamot, ito na ngayon ang buhay ng dating child actor na si Jiro Manio.
Isiniwalat ng dating aktor na si Jiro Manio na kasalukuyang nagsisilbi bilang co-facilitator sa isang rehabilitation facility sa Bataan.
Matapos ang ilang taong pagpaparehab ni Jiro Manio sa mismong facility, nakapagdesisyon siyang manatili na lamang roon kahit pa magaling na siya mula sa pagkakalulong sa nasabing bisyo.
Sa isang panayam, isiniwalat ni Jiro ang kanyang mga pinagdaanan noong nalulong siya sa droga at ang mga panibagong challenges na kinaharap niya matapos ang kanyang pagpaparehab.
Pagbabahagi ng aktor, nagdesisyon siya na mag-volunteer sa DOH Treatment and Rehabilitation Facility para mapanatili ang ang kanyang sitwasyon at maiwasan na maligaw muli ng landas.
"Ang sabi nila dito nalang daw muna ako baka kung lumabas ako kung saan saan nanaman ako pupunta."
Ngayong naging maayos na muli ang kanyang kondisyon at tuluyan nang kinalimutan ang kanyang bisyo hindi pa umano niya nakikita ang kanyang sarili na babalik sa showbiz.
Isiniwalat din ni Jiro na nakakatangap parin siya ng ilang mga offers na bumalik sa showbiz, subalit hindi niya kaagad ito nasasagot dahil nagdadalawang isip pa siya.
Aminado naman si Jiro na malaki ang nawala sa kanya dahil sa pagkakalulong bukod sa pagkawala ng tiwala mula sa mga tao sa showbiz.
Sa ngayon ay nakapokus ang atensyon ni Jiro sa tuluyang pagpapagaling at paglayo sa druga.