TAPE Inc. tagilid na ngayon sa pinanghahawakan nilang Eat Bulaga trademark.
Matatandaan na labis na ikinagalak ng mga panibagong host ng Eat Bulaga at nang mga Jalosjos ang ibinigay sa kanila noong 10 renewal ng Eat Bulaga trademark mula sa IPO.
Subalit, tila nagbago bigla ang ihip ng hangin nang mabigo ang mga Jalosjos na harangin ang Eat Bulaga trademark application ni Joey De Leon.
Ibabasura umano ng IPO ang appeal na inihain ng TAPE Inc. dahil tapos na ang kanilang ibinigay na palugit rito.
Noong nakaraang linggo, nagsumite na ang panig ng mga Jalosjos at TVJ sa kani-kanilang patunay na sila talaga ang siyang nagmamay-ari sa titulo na Eat Bulaga.
Nagbigay na rin ng pahayag ang kani-kanilang mga testigo. Kabilang sa mga testigo ng TVJ ay ang pinakamatagal na empleyado ng TAPE at matagal din nakasama ng TVJ.
Samantala, dahil nahuli ang paghahain ng appeal ng TAPE Inc. maaring maaprubahan ng IPO ang trademark claim ni Joey De Leon.
Noong September 29, inilabas na umano ang desisyon na ang Eat Bulaga ay nakaregister na sa pangalan ni Joey De Leon. Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang formal letter mula sa IPO.
Subalit, maari na umano nilang gamitin ang titulong Eat Bulaga dahil ang iniregister ni Joey De Leon ay para sa entertainment, samantalang for merchandise lamang ang hawak ng TAPE Inc.