Final na ang desisyon ng MTRCB hinggil sa pagpapasuspende sa It's Showtime. Magsisimula ang suspension sa darating na October 14 hanggang October 27, 2023.
Habang nakasuspinde ang nasabing noontime show pansamantala muna silang papaplitang ibang programa na pangungunahan ng ibang mga hosts.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon hindi umano pumayag ang pamunuan na kunin ang mga hosts ng It's Showtime bagkus kumuha sila ng mga panibagong host.
Subalit ang lahat ng mga production staffs at crews nito ay ang sa Showtime pa rin kaya naman walang mawawalan ng trabaho sa pagkakasuspinde ng It's Showtime.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa ipinalit na programa sakaling matapos na ang suspension ng It's Showtime.
Sa kabilang banda, naging malaking katanungan sa ilang mga netizens kung bakit sa kabila ng pagiging trending ng It's Showtime sa social media, nananatili pa rin ang kanilang mababang rating.
Ang It's Showtime pa rin ang nangungulelat sa ratings kumpara sa mga katapat nitong noontime shows na Eat Bulaga at E.A.T.
Sa ngayon, nananatiling ang E.A.T ay may pinakamataas na rating sa tatlong noontime show.