Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbebenta nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario sa kanilang bahay.
Agad na umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Antonette Gail sa kanyang social media account kung saan ipinahayag niyang ibebenta na nila ni Whamos ang kanilang bahay na fully furnished.
Sa nasabing post, ipinasilip din ni Antonette ang ilang bahagi ng kanilang bahay para may matingnan ang mga potential buyers.
“FOR SALE. PM PO AKO DITO SA PROFILE KO. fully furnished”
“rfs: BUYING A NEW HOUSE,” caption ni Antonette sa kanyang post.
Nilinaw naman ni Antonette na talagang bibili sila ng bagong bahay ni Whamos kaya binibenta na nila ang bahay nila.
Sa kabila ng paglilinaw ni Antonette may ilang mga netizens pa rin na nagsasabi na ang pagpapa opera ni Antonette ang dahilan kung bakit nila ibinebenta ang kanilang ari-arian.
Samantala, ipinagtanggol naman sila ng kanilang mga fans kung saan ipinunto nila na walang kinalaman ang mga bashers kung ubusin man ni Antonette ang pera nila sa pagpapaganda.