Pura Luka Vega Nanindigan Na Wala Siyang Natanggap Na Warrant Of Arrest


 Nagbigay na ng pahayag sa press ang kontrobersyal na drag queen na siAmadeus Fernando Pagente, mas kilala  bilang Pura Luka Vega, matapos ang pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad matapos umanong hindi siya dumalo sa paunang imbestigasyon sa mga kasong isinampa laban sa kanya ng Catholic Group na ‘Hijos del Nazareno.’


Sa nasabing panayam, iginiit ni Pura Luka Vega na hindi siya nakatanggap ng notice mula sa Manila Regional Trial Court dahil naideliver sa ibang address ang subpoena.


Ito ang ibinigay na dahilan ni Pura Luka Vega kung bakit hindi siya nakadalo sa paunang imbestigasyon patungkol sa mga kasong kanyang kinakaharap.


“I did not receive the subpoena. When we went there, sa ibang address po siya naibigay,” saad ni Pura Luka Vega.


Kinumpirma naman ito ng mga Manila Police, sinasabi nila na panay ang tanggi ni Pura patungkol sa mga notice na ibinigay sa kanya.


Ayon pa sa mga Police, nag-disguise sila bilang mga delivery riders sa paghuli kay Pura Luka Vega. Binibigyan naman ngayon ng pagkakataon si Pura Luka Vega na pansamantalang makalaya, sa pamamagitan ng pagbabayad ng pyansa sa halagang 72 thousand pesos.


Sa kabila ng pagkakaaresto, muling iginiit ni Pura Luka Vega na hindi niya ginawa ang kanyang performance para bastosin ang simbahang katoliko kundi nagpapakita lamang siya ng art.


“I just want to create a narrative that despite all of these, Jesus, as the embodiment of God’s love for all, does not forget about the oppressed, including the LGBTQIA+ community,” pagbabahagi niya.