Anak Ni Pacquiao Nagpa Kilala Na! Unang Laban Sa Pro Boxing! Lumabas Na Sa Lungga!


 Isang 19-anyos na lalaki na sinasabing anak sa labas ng nag-iisang eight-division champion na si Manny Pacquiao, ay nagsimula nang sundan ang yapak ng ama sa larangang ng boxing.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Nissi Icasiano na ang sinasabing anak ni Pacquiao sa isa ibang babae na si Eman Bacosa, ay lumaban na sa kanyang unang professional boxing match noong Sabado, Setyembre 23.


Nag-debut siya sa ‘Blow by Blow,’ na ironically pino-promote ni Manny Pacquiao.


Subalit ang unang laban ni Bacosa ay nagtapos sa isang split draw.


Kung sakaling ang sinasabing boksingero ay totoong anak ni Manny Pacquaio, siya ang pangalawang anak nag boxing champ na sumunod sa kanyang yapak sa laragan ng pagbo-boksing.


Noong 2006, lumabas sa publiko ang ina ni Eman na si Joanna Rose Bacosa at ibinunyag na nagka relasyon sila ni Manny Pacquiao.


Ayon kay Joanna Rose, nagkita sila noong Marso 2003 sa isang hotel sa Maynila kung saan siya nagtrabaho bilang waitress. Sinabi niya na nagkaroon siya ng relasyon kay Pacquiao at nagkaroon sila ng anak.


Sinabi pa ng babae una siyang nakakatanggap ng money suport mula kay Manny Pacquiao na biglang tumigil.


Nagsampa siya ng mga kaso laban kay Manny Pacquiao noong panahong iyon dahil sa hindi pagpapadala ng sustento sa kanilang mga anak.


Gayunpaman, binasura ng korte ang kaso, sinabing walang posibleng dahilan para ituloy nila ang mga kaso laban kay Manny Pacquiao.