Toni Fowler, Kinasuhan Na Rin Ng KSMBPI, Isa Ring Criminal Case!


 Nagsampa ng mga kasong kriminal ang Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Inc. laban sa social media personality na si Toni Fowler dahil sa mga inilabas nitong mga music video na may maseselan na tema.


Ayon sa isang post ng official Facebook page ng samahan, “KSMBPI President Atty Leo Olarte, MD and KSMBPI lawyer Atty Mark Tolentino files criminal case versus TONI FOWLER on behalf of Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. ( KSMBPI) at the Pasay City Prosecutors Office thus morning Sept 27, 2023."


Kinasuhan ng KSMBPI si Toni Fowler dahil sa mga music videos nito na nagpapakita sa maseselan na parte ng mga kalalakihan at kababaihan na hindi umano angkop na ibinabahagi sa social media platforms.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sinampahan ng KSMBPI si Toni Fowler ng tatlong beses na paglabag sa Revised Penal Code Section 201 in Relation to Cybercrime Law.


Sakaling mapatunayan maaring magbayad si Toni Fowler ng fines sa bawat video na kanyang ginawa. Bawat video ay may multang ₱6,000 hanggang ₱12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.


Matatandaan na sinampahan rin ng criminal case ng KSMBPI sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa kanilang indecent na pagkain ng cake icing sa isang episode ng It's Showtime.