Naging matunog ang pangalan ni Atasha Muhlach nitong nagdaang sabado nang opisyal na siyang ipinakilala bilang panibagong host ng E.A.T.
Si Atasha Muhlach ay anak ng batikang aktor na si Aga Muhlach at batikang aktres na si Charlene Gonzales.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pagiging host ni Cassy Legaspi sa Eat Bulaga at kapansin-pansin rin ang kagandahan nito.
May ilan pang tila kinukumpara sina Cassy at Atasha kung sino umano ang mas nakakalamang sa dalawa sa ganda at galing sa pagiging host.
Ayon pa sa ilang espekulasyon ng mga netizens maaring kunin din ng TVJ ang isa pang anak nina Aga Muhlach at Charlene na si Andres para ipantapat naman kay Mavy Legaspi.
Matatandaan na kabilang sa mga panibagong hosts ng Eat Bulaga ang Legaspi twins, kaya naman marami ang nag-uudyok sa TVJ na kunin din si Andres para mas masaya umano ang tapatan sa tanghali.
Ayon naman sa ilang mga netizens na hindi na bago sa Legaspi twins at Muhlach twins na maging magkatapat dahil mula pa noon ay palagi nang magkatapat ang kanilang mga commercials.