Pambabastos Ni Joey De Leon Noon Sa Eb Inungkat Ng Netizens Joey Posibleng Matanggal Sa E.A.T?


 Pinag-iinitan ngayon ng mga netizens ang E.A.T host na si Joey De Leon. Binalikan din ng ilang mga netizens ang pambabastos umano nito sa dancer at sa guest nila noong nasa Eat Bulaga pa lamang sila.


Tila nahaharap ngayon sa malaking kontrobersiya ang E.A.T host na si Joey De Leon dahil binalikan at kinalkal muli ng ilang mga netizens ang pambabastos umano niya sa kanilang dating dancer na si Saida Diola at sa kanilang guest sa nasabing show.


Bagama't matagal na itong nangyari, binalikan itong muli ng mga netizens at tila sinariwa dahil sa isyung kinakaharap ngayon ni Joey De Leon.


Sa kumakalat ngayon na video clips makikitang nakayap si Joey De Leon sa nasabing dancer. Bukod dito, tila sinadya pa ng batikang komedyante na idikit umano ang maselang parte ng kanyang katawan sa pang-upo ng dancer.


Sa isa pang video, hindi nagustuhan ng mga netizens birong pahayag ni Joey De Leon patungkol sa legs ng dalaga nilang guest.


Hinalungkat at sinariwa ng mga netizens ang mga nagdaang isyu ni Joey De Leon dahil sa viral na pahayag niya patungkol sa lubid.


Ito'y sa gitna ng batikos kay Lala Sotto na tila nagiging bulag at pipi pagdating sa E.A.T dahil sa kanyang ama na si Tito Sotto.


Marami kasi ang nadismaya dahil sa pagpapasuspinde ng MTRCB sa It's Showtime habang tila wala naman silang ginawang aksyon sa paglabag ng E.A.T.