Ngayon pa lamang ay usap-usapan na ang posibilidad na pagtatapatan ng team ni Vice Ganda at team ni Anne Curtis sa Kapuso program na Family Feud.
Bagama't hindi pa ito mapapanood sa unang linggo ng ikalawang season ng Family Feud, tuloy na tuloy pa rin ang guesting ng It's Showtime family kapag maging maayos na ang kanilang mga schedule.
Samantala, marami ang napapatanong kung sasama sa guesting na ito ang dating nobya ni Dingdong Dantes na si Karylle.
Matatandaan na naging kontrobersyal pa noon ang paglipat ni Karylle ng network sa gitna ng paghihiwalay nila ni Dingdong Dantes.
Nadawit kasi noon ang pangalan ni Marian Rivera, ang nakatuluyan ni Dingdong sa naging hiwalayan ng dalawa kung saan sinasabing siya ang naging dahilan ng Dingdong at Karylle break-up.
Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na nakaka awkward naman umano kung sakaling muling magsasama sa iisang frame sina Dingdong Dantes at Karylle.
Subalit may mga nagsasabi naman na hindi na ito maging masama dahil pareho naman na umanong nakapag move on ang dalawa at may kani-kanila ng pamilya.
Sa katunayan, spotted sina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle sa isang event ni Michael Cinco kung saan nagbeso-beso pa ang dalawa.
Talagang limot na nila ang anumang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan.