"Protect Toni Fowler."
Ito ang sigaw ng ilang mga netizens partikular na ang mga fans ng social media personality na si Toni Fowler matapos maisapubliko ang pagsasampa ng kaso ng KSMBPI.
Kahapon, September 27, 2023, isinapubliko ang balitang nahaharap sa mabigat na kaso ang vlogger, CEO, actress matapos siyang sampahan ng criminal case ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI).
Ang pagsasampa ng kaso ng KSMBPI ay may kaugnayan sa mga inilabas na music video ni Toni Fowler na may mga malalaswang tema.
Ayon sa inilabas na ulat, sinampahan ng kaso si Toni Fowler ng paglabag sa Article 201 Revised Penal Code in Relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Pasay City Prosecutor's Office.
Ang tinutukoy na mga music video ay ang 'Malib0g 'Pag Lasing', 'Masarap na Mommy', at 'Fake Friends'.
Dagdag pa ng KSMBPI, may kasama rin umanong menor de edad sa music video na Malib0g 'Pag Lasing. Ang kanilang tinutukoy ay si Payi na noon ay 17 years old pa lamang.
Ayon pa sa KSMBPI, walang puwang si Toni Fowler at ang kanyang mga music video sa social media dahil maraming mga kabataan na gumagamit rito.
Sa kabilang banda, nananawagan naman ang ilang mga fans ni Toni Fowler, kaugnay sa hinaharap nitong kaso ngayon. Marami rin ang umapela sa ginawa ng KSMBPI na pagsampa ng kasong kriminal kay Mommy Toni.
Naniniwala rin ang mga fans ni Toni Fowler na walang kasalanan si Toni Fowler.