Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actress na si Carla Abellana hinggil sa kumakalat na bali-balita na idadagdag siya sa mga cast ng Kapamilya teleserye na Ang Batang Quiapo.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng mga haka-haka sa social media na umano ay lilipat na ng network si Carla Abellana kasunod ng paglipat niya sa All Access to Artist Management o Triple A ni Mike Tuviera.
Noong nakaraang linggo pa dapat sila haharap sa mga entertainment press para pormal na iaanunsyo ang paglipat ni Carla Abellana sa Triple A, subalit na reschedule ito noong martes na ginanap sa Sampaguita Garden.
"Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not, my goodness I would like to be part of Batang Quiapo."
Subalit nilinaw ni Carla Abellana na wala pa siyang natatanggap ngayon na offer mula sa Batang Quaipo.
"Pero sa ngayon ay wala naman pong offer, wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng Batang Quiapo. As of now, wala naman pong final oaffer na maging parte po ng kahit anong proyekto."
"So, hindi po. Pero kung yayayain po ako, aalukin po ako magiging open po ako."
Sa ngayon ay may gagawin pang drama series si Carla Abellana sa GMA7 ang Stolen Life kasama si Gabby Concepcion.
Nag-umpisa ang haka-hakang lilipat ng network si Carla Abellana ng hindi muna niya nirenew ang kanyang kontrata sa GMA Network na nag-expired na noong May.
Sa ngayon ay hindi pa rin masasabi ni Carla kung pipirma pa ba siyang muli sa GMA.