E.A.T May Sulat Sa MTRCB! Inamin Ang Pagkakamali Ni Joey De Leon, Nag Sorry!


 Nagpadala ng apology letter ang mga tao sa likod ng E.A.T. sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos mag-viral sa social media ang isa sa mga host nila na si Joey de Leon dahil sa kanyang ‘lubid’ joke.


Matatandaang ginawa ni Joey ang kontrobersyal na pahayag sa isa sa mga segment ng E.A.T, ang ‘Gimme 5: Laro ng mga Henyo’, kung saan pinahulaan ang isang contestant ng limang bagay na maaaring isabit sa leeg.


“Lubid lubid, nakakalimutan niyo,” pahayag noon ni Joey De Leon.


Sa isang sulat na ipinadala noong Setyembre 25, inamin ni Jeny Ferre, head ng E.A.T creatives and production operations, na hindi naintindihan ng televiewers ang biro ni Joey dahil hindi na nagdetalye ang beteranong host sa kanyang mga pahayag.


“In this regard, the whole E.A.T. management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance. Rest assured that we are one with MTRCB in advocating a responsible viewing experience for the public.”


Ang sulat ay agad na ipinadala ng E.A.T matapos ang paglabas ng official statement ng MTRCB na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa nasabing isyu.


Sa kabila nito, hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag si Joey De Leon hinggil sa kanyang 'lubid' at hindi rin niya nilinaw ang totoong pinatutungkulan niya rito.