Kim Chiu Lumipad Na Patungong L.A.! Tampuhan Lumalala?


 Lumipad na patungong Los Angeles ang actress-TV host na si Kim Chiu para sa isang event na inorganisa ng World Remit.


Inaasahan ngayon ng kanyang mga tagahanga sa LA ang isang masayang production number mula kay Kim Chiu.


Sa kabilang banda, marami naman ang napapatanong ngayon kung bakit hindi nagpi-flex si Kim Chiu ng mga larawan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Matatandaan na noong hindi nakasama ni Kim Chiu sa ABS-CBN's Ball, naglabasan ang isyu tila may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa.


Bagama't nilinaw naman ni Kim sa isang panayam na ang dahilan kung bakit hindi niya nakasama noon si Xian ay ang pagbabakasyon nito sa ibang bansa kasama ng mga kaibigan na may permiso naman niya.


Marami pa rin ang nagdududa at sinasabing baka may tampuhan ang mga ito.


Tila lumalala pa umano ito ngayon dahil wala manlang ipiniflex na larawan ang aktres patungkol sa kanila ng boyfriend kundi puro na lamang sa trabaho.


Gayunpaman, ipinagtanggol naman sila ng kanilang mga tagahanga. Naniniwala umano sila na matatag ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim. Sadyang abala lamang umano ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.