Nahaharap ngayon sa kasong cybercrime ang mga VivaMax actress kabilang na sina AJ Raval at Angeli Khang.
Mga VivaMax stars naman ngayon ang pinupuntirya at pinagsasampahan ng kaso ng samahang Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc.
Sinampahan nila ng kasong paglabag sa Violation Article 201 of the Revised Penal Code in the relation of the revised cybercrime law of the Republic act 11075.
Nagtungo ang grupo ng KSMBPI sa pangunguna ni Atty. Mark Tolentino sa prosecutors office sa Pasay, City upang pormal na sampahan ng kaso ang mga VivaMax sexy stars kabilang na sina AJ Raval at Angeli Khang.
Pinagsasampahan nila ng kaso ang mga ito dahil sa pagpapakita umano nila ng mga kalaswaan sa kanilang mga pelikula.
Samantala, sa isang panayam, iginiit ni Atty. Tolentino na pinapanindigan lamang nila ang advocacy ng kanilang samahan.
Itinuturing din nila bilang mga watch dog sa social media ang kanilang mga sarili upang masiguro umano ang maayos na paggamit ng mga platforms.
Sasampahan umano nila ang lahat ng mga lumalabag sa alituntunin sa wastong paggamit ng social media.
Nilinaw naman ng grupo na hindi ang pelikula na nagpapakita ng malalaswa sa VivaMax ang dahilan kung bakit sinampahan nila ng kaso si Angeli Khang.
Ang dahilan umano nila ay ang pagbabahagi nito sa mga trailers ng malalaswang movie sa kani-kanilang personal social media accounts na maaring mapanood ng mga batang audience.
Sa ngayon ay si Angeli Khang pa lamang umano ang kanilang nasampahan ng kaso subalit susunod naman umano ang iba pang Viva Max Stars kabilang na si AJ Raval.