Kaganapan sa Huling Araw ng It's Showtime


Dumating na ang huling araw ng pag-ere ng noontime show na It's Showtime bago opisyal na magsisimula ang unang raw ng 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Magsisimula na bukas,  October 14, ang suspension ng MTRCB sa It's Showtime kung saan pansamantala muna silang papalitan ng It's Your Lucky Day.


Bagama't ito ang kanilang last day, hindi pinaramdam ng mga host ng show sa mga Madlang Pipol ang lungkot dahil sa kanilang pinagdadaanan.


Tila hindi nila alintana ang mga pagsubok sa kanilang show at patuloy lamang sa pagbibigay ng saya sa mga Madlang Pipol.


Sa kabila ng lively atmosphere ng It's Showtime, hindi pa rin mapigil ng ilang mga madlang pipol ang malungkot dahil naging bahagi na umano sa kanilang tanghalian ang show mula pa noon.


Gayunpaman, tinitiyak naman ng It's Showtime na muli silang magbabalik kapag tapos na ang suspension sa kanila, sa darating na October 28.


Tiyak naman na magiging masaya ang muling pagbabalik ng It's Showtime sa huling bahagi ng buwan.


Bago matapos ang episode ngayon ng It's Showtime pinaanyayahan naman ni Vhong Navarro ang mga madlang pipol na manood sa show na pansamantalang papalit sa timeslot ng It's Showtime.