Ibinahagi ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa isang episode ng kanilang showbiz oriented vlog na umano'y may nagsusulsol kay Vice Ganda na hiwalayan na si Ion Perez.
Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! muling napag-usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa magaganap nang suspensyon ng programang It's Showtime at ang dalawang hosts nito na sina Vice Ganda at Ion Perez.
Matatandaan na ang pangunahing dahilan ng pagkakasuspinde ng It's Showtime ay ang nangyaring 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez.
Inireklamo nang ilan na hindi tama ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez lalo na at may kasama silang mga bata sa entablado kung saan nila ito nagawa.
Bukod dito, may ilang mga reklamo na rin umanong natanggap ang MTRCB tungkol sa umano'y nalabag ng noontime show.
Samantala, sinasabing ang naturang suspensyon ng kanilang show ay isa lamang sa mga hindi kagandahang nangayayari kay Vice Ganda mula ng magkaroon sila ng relasyon ni Ion Perez ayon sa mga nakarating kay Cristy.
"meron tuloy nagsasabi ngayon na, vice, hiwalayan mo na si ion. Hindi mo ba napansin mula nung naging kayo, ang dami nang senaryo sa buhay mo na hindi kagandahan. Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit. Baka mukhang hindi magandang ano sa'yo si ion," pagbabahagi ni Cristy Fermin.