Vice Ganda It'S Showtime Nagpaalam Na Sa Ere Ngayong Araw


 Taliwas sa inaasahan ng maraming netizens, na isang malungkot na pamamaalam ang magaganap sa It's Showtime ngayong araw dahil sa napipintong suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Isang masaya at masiglang pagbati ang isinalubong ng mga It's Showtime hosts sa mga madlang pipol na hanggang sa huli ay sumama at sumusuporta sa kanila.


Ngayong araw, October 13, 2023, ang huling araw ng pag-eere ng It's Showtime, bago magsimula ang 12 days airing suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


Kaya naman marami ang nag-aabang sa emosyunal na pamamaalam ng mga It's Showtime hosts. Subalit, kabaliktaran nito ang nangyari ipinakita ng mga It's Showtime hosts na hindi sila apektado sa suspensyon dahil alam umano nila na magbabalik silang muli nang mas malakas.


Sa kabilang banda, napansin naman ng ilang mga netizens na tila maraming cuts ang nangyari ngayon sa show, na tila ba ay hindi umano ito kinunan live kagaya ng mga naunang episodes nito.


Napansin din ng mga madlang pipol na sa likod ng kanilang mga ngiti ay naroon pa rin ang hindi maitatagong lungkot.


Sa huling bahagi ng show, pinaanyayahan naman nila ang madlang pipol na tangkilikin ang show na pansamantalang ipapalit sa kanila.