Ibinahagi ng dating Star Magic artist at child actor na si John Wayne Sace ang kanyang mga karanasan matapos masira ang kanyang buhay at career dahil sa kanyang mga bisyo.
Sa panayam kay Julius Babao, sinabi ni John na ang kanyang mga bisyo ay naglagay sa kanya sa mapanganib na sitwasyon, kabilang ang insidente noong 2016 kung saan nasaksihan niya ang pagpanaw ng kanyang kaibigan sa isang Tokhang operation.
Gayunpaman, matagumpay naman umano siyang nagbago at nakabalik sa telebisyon bilang bahagi ng FPJ’s Ang Probinsiyano noong 2021.
Nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang pamilya at sa relasyon nila ni Maja Salvador.
Matatandaang pinagsamahan sina John at Maja noong 2006 para sa isang drama sa telebisyon.
Maging si Maja ay umamin rin na may naganap na 'short-lived' relationship sa pagitan nila ni John.
Ipinagdidiinan din niya sa nasabing interview na hindi na siya ngayon gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at handa na rin umano siya na makabalik sa industriya.
Nanawagan din siya kay Coco Martin na nais niyang makasama sa proyekto nito.