Matapos pamamaalam ng It's Showtime sa ere dahil magsisimula na bukas October 14, 2023 ang 12 days suspension nila bilang parusa na ipinataw ng MTRCB, binisita ni Vice Ganda ang taping ng pamalit sa kanilang show na It's Your Lucky Day.
Makakasama at pansamantalang magbibigay ng saya ang nasabing show habang namamahiga muna ang It's Showtime.
Kaya naman, para kahit papaano ay maibsan ang kaba na nararamdaman ngayon ng mga hosts ng show, binisita sila ni Vice Ganda.
Sa Instagram post ni Vice Ganda, ibinahagi niya ang larawan nila ni Luis Manzano habang nasa studio sila ng It's Your Lucky Day.
Makikita rin sina Francine Diaz, Jennica Garcia, Melai Cantiveros at iba pa na magiging hosts ng show.
Samantala, makikita naman sa video ang puspusang pagrerehearse ng mga hosts ng It's Your Lucky Day para sa matagumpay nilang panimula bukas.