Usap-usapan ngayon sa social media ang pagsisiwalat ni Albie Casino na wala na siyang pakialam sa nangyayari ngayon sa buhay ng dating nobya na si Andi Eigenmann.
Sa kamakailang panayam isiwalat ni Albie Casino na hindi na niya pinag-aaksayahan ng panahon ang pag-alam sa buhay ng kanyang ex-girlfriend.
Ipinahayag din ni Albie na ayaw na niyang makasama sa iisang proyekto si Andi. Pero okay lang naman sa kanya na makasalubong ang ex at babatiin pa niya ito.
“I don’t need to say it like this pero wala talaga kong pakialam e. It doesn’t bother me. I don’t think about it.”
Matapos ang pagsisiwalat na ito ni Albie, hindi napigilan ng ilang mga netizens na ungkatin ang naging isyu noong 2011 kay Albie dahil kay Andi Eigenmann.
Matatandaang inakusahan noon ni Andi Eigenmann ang kanyang boyfriend na si Albie Casino na siyang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Agad naman itong itinanggi ni Albie na siyang dahilan kung bakit nakatanggap ng samu't-saring pambabatikos ang aktor.
Sa isang panayam isiniwalat pa noon ni Albie na nawalan siya ng millions worth of projects dahil sa akusasyon ni Andi Eigenmann na maaring nakatulong sana ng malaki sa kanya at sa kanyang pamilya.
“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that? And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages,” pagsisiwalat ni Albie.
“That’s literally money they put out of my bank account. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right? So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?”
Sa huli, napatunayan naman na nagsasabi ng katotohanan si Albie hinggil sa pagbubuntis ni Andi, nang aminin ni Jake Ejercito na siya ang ama ng anak ni Andi.
Kinumpirma naman ng DNA test na si Jake Ejercito talaga ang ama ng bata.