Ipinahayag ng aktor na si Albie Casiño na ayaw niyang mag-aksaya ng oras sa para sa usapin tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.
Sa isang panayam, iginiit ni Albie na ayaw na niyang na makakatrabaho muli si Andi kahit pa napatawad na niya ito sa halos pagkasira ng kanyang career.
“Yon hindi. I can go the rest of my life without having to deal with that. Never kaming nag-usap. I guess at this point of my life hindi ko na iniisip ‘yon e. Hindi ko na binibigyan ng energy ‘yon,” pagpupunto ni Albie.
Ipinunto rin ni Albie na hindi na siya tumitingin ng updates patungkol sa buhay ngayon ni Andi sa Siargao, lalong-lalo na sa buhay pag-ibig nito.
Wala na rin umano siya paki-alam kung ano man ang nangyayari ngayon sa buhay ng aktres at sa pamilya nito.
“I don’t need to say it like this pero wala talaga kong pakialam e. It doesn’t bother me, I don’t think about it.”
Matatandaan na tumanggap ng pambabatikos noon si Albie Casino ng sabihin ni Andi na ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Sinasabihang irresponsableng ama si Albie dahil itinanggi nito ang pagbubuntis ni Andi. Subalit, sa huli nabunyag na ang totoong ama sa ipinagbubuntis ni Andi ay walang iba kundi si Jake Ejercito.