Shaina Magdayao Nagsalita Hinggil Sa Buntis Isyu


 Shaina magdayao nilinaw na ang isyung pagdadalang tao sa anak nila ni Piolo Pascual.


May mga naglabasang mga bali-balita na umano'y ipinagbubuntis na ng aktres ang panganay nila ng aktor na si Piolo Pascual. 


Bagamat wala namang inaamin sina Piola at Shaina sa kanilang tunay na relasyon, may ibang mga tao naman na nag assume na sila ay talagang nagakakakabutihan na at palihim pa na nagpakasal.


Kasunod nito, kumakalat naman ang haka-haka ng pagbubuntis ni Shaina.


Ayon kay Shaina, marami na sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak ang nagmi-message sa kanya hinggil sa balitang kumakalat. Kaya naman minarapat niya na magsalita once and for all. 


Kasalukuyang nasa South Korea si Shaina, para sa  isang event. Gayunpaman tila hindi na siya makatiis na ibigay ng kanyang pahayag.


Sa pamamagitan ng kanyang  IG stories ipinahayag niya ang kanyang mensahe upang pabulaanan ang balitang siya ay buntis. 


Ibinahagi pa niya ang isang larawan kung saan makikita siyang umiinom ng beer, bilang patunay na hindi siya buntis. 


Sa caption nito sinabi niyang , nasa edad na daw siya para sa pagpapamilya at pagkakaroon ng anak. Kaya naman kung totoo umano ang kanyang pagbubuntis ay hindi niya ito itatago. 


“Soooo… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that’s going around back home!"


"Will never deny if I were since I'm already of age noh! "My goodness, I am nooooot pregnant, people!"


Matatandaan na sa isang panayam, sinabi rin noon ng aktres na nais niyang makapag-asawa at makabuo ng sariling pamilya bago siya tumuntong ng trenta anyos.


Subalit ngayong 33 years old na siya at single pa rin, nais umano niyang bumuo ng pamilya at ready na siya pero laging nauudlot. Sa tingin niya umano may mga unfinished tasks pa siya kaya hindi pa umaayon ang panahon na siya ay muling magkaroon ng lovelife at bumuo ng sariling pamilya. 


Nilinaw na rin noon ni Shaina ang kumakalat na balitang nagkakamabutihan na sila ni Piolo Pascual. Iginiit niyang magkaibigan lamang sila.