Trending ngayon sa social media ang panawagan ng mga netizens na tuluyan nang magresign ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto matapos ilabas ng MTRCB na tuluyan nilang dineny ang motion for reconsideration na inihain ng It's Showtime kaugnay sa 12 days airing suspension.
Sa naganap na senate hearing para sa 2024 propose budget ng MTRCB nitong myerkules, muling nilinaw ni Lala Sotto na wala siyang kinalaman sa naganap na botohan para matukoy kung dapat bang suspendihin ang It's Showtime o hindi.
Kasunod nito, lumabas ang balitang tuluyan nang denied ang inihaing motion for reconsideration ng It's Showtime.
Dahil dito, marami ang nanawagan na dapat nang magbitiw sa pwesto si Lala Sotto dahil siya umano ang may pakana sa lahat ng mga nangyayari sa It's Showtime.
Marami pa ang nagsasabi na nakikisawsaw lamang si Lala Sotto sa kasikatan nina Vice Ganda, Ion Perez at ng buong Showtime para mapag-usapan.
Hinala pa ng ilang mga netizens na paraan umano ito para mas panoorin ng tao ang noontime show na pinangungunahan ng ama ni Lala Sotto, ang E.A.T.
Narito pa ang ilang mga komento ng netizens kung saan pinagreresign si Lala Sotto.
"A lot of people are suggesting you to resign, Ms. Lala Sotto."
#LalaResign"
"If MTRCB will not suspend E.A.T. on their "more serious" and "more disturbing" violations, then the agency will really be biased and partial.
#abolishMTRCB #LalaResign"
Isa sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi natutuwa sa desisyon na ito ng MTRCB dahil tila naging bulag sila sa mga violations ng E.A.T na ayon pa sa ilang mga netizens mas distubing pa kaysa sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez na pagkain ng cake icing, katulad na lamang sa pahayag ni Joey De Leon na lubid sa leeg.