Abs Cbn May Ibinunyag Sa Ginawa Ng MTRCB!


 Naglabas na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN hinggil sa tuluyang pagkakasuspinde ng It's Showtime.


Ayon sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN ginawa na nila ang kanilang makakaya kaya naman hindi na umano sila mag-aapela sa desisyon ng MTRCB.


Dahil dito tiyak, magsisimula na sa darating na October 14 ang suspension ng show.


"Pagkatapos ng masusing pag-aaral, nagdesisyon ang ABS-CBN na hindi na iapela sa Office of the President ang desisyon ng MTRCB hinggil sa 'It's Showtime' at sa halip ay sasailalim sa 12-araw na suspensyon ang programa simula Oktubre 14."


Ipinahayag din ng ABS-CBN na iginagalang nila ang desisyon ng MTRCB, ngunit naniniwala parin umano sila na walang nilabag ang kanilang noontime show na It's Showtime.


"Iginagalang namin ang awtoridad ng MTRCB, ngunit naniniwala kami na walang nangyaring paglabag ang "It's Showtime sa anumang batas."


Hindi rin kinalimutan ng network ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanilang show sa kabila ng mga kontrobersiya na kinakaharap nito.


Ipinaalala din nila na magbabalik ang It's Showtime sa October 28.


"Lubos kaming nagpapasalamat sa mga manonood sa kanilang patuloy na pagmamahal at suporta sa It's Showtime, na babalik sa ere sa Oktubre 28 na mas pinalakas at pinaganda.