Labis na nagdadalamhati ang mixed martial arts fighter na si Mickey Ablan sa pagpanaw ng kanyang panganay na anak na si Yzabel Ablan.
Pumanaw si Yzabel Ablan dahil sa heart failure at lung infection noong October 7, 2023. Sa edad na 20 taong gulang.
Inamin naman ni Mickey na talagang nahihirapan siyang tanggapin sa kanyang sarili na wala na ang kanyang panganay.
"Para akong bipolar. Every 14, minutes ako ata umiiyak. Sobrang hirap i-absorb ito."
Sa isang pang Facebook post inilabas ni Mickey ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak.
"I love you my baby Yzabel Ablan, I love you more than anything in this world my angel. Nagpromise ka hindi mo ako iiwan Ate. Heaven gained another angel I'm so lost and confused!ikaw dapat maglilibing sakin bakit biglang ako na maglilibing sayo.."
Ayon pa sa mga post ni Mickey, naka-chat pa umano niya si Yzabel Ablan kaya naman hindi umano niya lubos maisip na mawawala na pala ito nang wala pa sa 24 hours.
Si Yzabel Ablan ay anak ni Mickey sa dati niyang karelasyon gayunpaman itinuturing na itong totoong anak ni Janna Dominguez na kasalukuyan niyang karelasyon.