Emosyunal na nagbigay ng pahayag ang aktor na si Ricardo Cepeda hinggil sa pagkakaaresto sa kanya sa kasong dsyndicated estafa.
Iginigiit ni Ricardo Cepeda na wala siyang kinalaman sa mga kasong isinampa sa kanya at inosente umano siya.
Matatandaan na inaresto si Ricardo Cepeda habang nasa Caloocan para sa isang ribbon cutting event noong Sabado October 7, 2023.
Inihain sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest para sa 43 counts ng syndicated estafa.
Sa isang kumakalat na video clips makikitang tila pumalag pa si Ricardo sa pag-aaresto sa kanya ng mga pulis subalit sumama rin naman kalaunan.
Sa isang panayam sinabi ni Ricardo na talagang nagulat siya sa pag-aaresto sa kanya ng mga pulis dahil hindi rin umano niya lubos akalain na may mga warrants na pala siya.
"I was shocked because I wasn't aware na umabot sa may warrants ako. I have heard na may mga scandal, pero hindi ko alam na sinama nila ako," pahayag ni Ricardo sa isang panayam sa kanya.
Sa ngayon ay naka-detain si Ricardo sa camp Caringal sa Quezon City. Ang patong-patong na kaso na kinakaharap ngayon ni Ricardo ay non-bailable kaya naman mananatili si Ricardo sa kulungan habang nililitis ang kanyang kaso.
Iginiit din ng aktor na wala siya kinalaman sa inirereklamong investment company, kundi bilang model lamang ng mga products nito.
Ang kompanyang ito ay gumagawa ng mga energy saving na mga gamit.
"I'm not connected at all sa company, even sa business regidtration, my name is not there. Wala ako sa running business anything of the company. Model lang ako about the products."