Alden Richards, Inaming Na-Fall in Love Kay Maine Mendoza


 Hindi maitago ng mga AlDub fans ang kanilang ‘kilig’ matapos aminin ni Alden Richards na totoong na inlove siya noon sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza noong kasagsagan ng AlDub fever.


Sa isang panayam kay Boy Abunda, inamin ni Alden na tatawagin niyang ‘ipokrito’ ang kanyang sarili kung itatanggi niyang wala siyang nararamdaman para kay Maine.


Gayunpaman, iginiit ni Alden na hindi niya niligawan noon si Maine Mendoza kahit pa nag-confess naman siya noon.


“Hypocrite po ako kung hindi. Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess,” pag-amin ni Alden.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pahayag na ito ni Alden Richards. Marami sa mga AlDub fans ang nasisiyahan lalo na ang mga naniniwalang peke ang kasal ni Maine kay Arjo.


Sa kabilang banda hindi naman ito nagustuhan ng iba pang fans ni Maine Mendoza dahil ginagamit umano ni Alden si Maine dahil may panibago siyang movie.


“Alden Richards using Maine Mendoza since he has a new movie. Old tricks para panuorin ang flop nyang movie…leave maine alone alden.”


May mga nagsasabi pa na dahil sa pahayag na ito ni Alden ay hindi niya natutulungan si Maine Mendoza sa pagpapatahimik sa kanilang delusional fans.


“What’s more annoying kasi si maine ilang beses na syang nag-speak up para lang matuldukan yung delusions ng fans. sya pa nga ginagawang masama dahil marunong mag-callout. pero si alden, nakikita pang pumupunta sa event ng kulto & continuously feeding their delusions.”