Isiniwalat na ng aktres na si Claudine Barretto kung sino ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang kanyang careers.
Ayon sa pagsisiwalat ni Claudine Barretto may dalawang tao na naging dahilan kung bakit kaliwa't kanan ang pagkawala ng kanyang mga projects.
Isiniwalat na rin ni Claudine na handa na siyang labanan ang mga ito pagdating sa korte upang mabawi ang dapat naman na sa kanya.
Samantala, sa isang Instagram post ipinahayag ni Claudine Barretto na binisita siya ng kanyang 'voleyball babies' kabilang na sina Michelle Morente, Jessey de Leon, Kai Nepomuceno at Jeanette Panaga.
Bumisita umano ang mga ito sa kanya para suportahan siya sa laban na kanyang kakaharapin.
“A few days ago. I got a visit from my volleyball babies. I didn’t want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again.
"As an ate to my volleyball babies I’ve to be strong for my little sisters just in case they need me. but they came in full force to embrace, pray for & pray with me. You my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead.”
Ipinahayag din ni Claudine na pagod na siyang protektahan ang mga taong naging dahilan ng kanyang pagbagsak.
“The witch hunt begins. I’ve been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako.”
Samantala, nagbigay naman ng clue si Manay Cristy Fermin hinggil sa mga taong sangkot sa pinagdadaanan ni Claudine.
Isa raw itong malapit na malapit sa puso ng aktres pero sila ay nagkahiwalay.